Ang kondisyong ito ng testigo, kapalit ng ibibigay niyang mahalagang impormasyon ay ibinunyag kahapon ni Congressman Rico M. Fajardo (3rd district) sa isang interview sa kanya ng media men sa Palayan City.
Sinabi ni Fajardo, opisyal na kandidato ng Lakas-NUCD sa pagka-gobernador ng Nueva Ecija, nagparating sa kanya ng salita na paniniyak ang testigo na lalantad ito mula sa matagal na nitong pagtatago sa oras na masiguro ng government authorities ang kanyang kaligtasan. Gayunman, di tinukoy ng three-termer congressman ang pagkakakilanlan ng saksi sa ambush-slay ni Perez.
Ayon kay Fajardo, kapag napakahalaga sa nasabing kaso ang impormasyong ipagkakaloob sa mga awtoridad ng bagong testigo, kahit isang saglit ay hindi siya titigil upang ipursige ang pagbubukas na muli sa kaso ng pagpatay kay Mayor Perez.
Magugunitang si Perez ang inilaban ng Lakas-NUCD sa gubernatorial race kontra kay Governor Thomas Joson noong 1995 local election pero ilang linggo bago ang mismong araw ng botohan, ang dating alkalde ay inambus sa Talavera, Nueva Ecija at namatay noon din dahil sa mga tinamong tama ng bala sa katawan. (Ulat ni Joy Cantos)