^

Probinsiya

'Freak thunderstorm' nanalasa sa Pampanga

-
PORAC, Pampanga – Marami ang nasugatan matapos ang naganap na ‘freak thunderstorm’ na nanalanta sa mga bayan malapit sa Mt. Pinatubo na tumagal ng halos isang oras, noong Linggo.

Mistulang delubyo ang nasaksihan ng mga residente nang marinig dakong alas-5 ng hapon ang dumadagundong na hangin, na nagpataas sa lahar, kasunod ang malakas na pagbuhos na ulan.

Ayon kay Dr. Emmanuel Guanlao, chief ng Provincial Disaster Coordinating Council (PDCC) na 15 kabahayan ang iniulat na wasak na wasak, habang 15 naman ang bahagya ring nasira sa Barangay Manibaug Pasig makaraang manalanta ang malakas na buhawi sa lahar-buried area na dito nagtayo ng maliliit na bahay ang mga residente.

Bagamat walang iniulat na nasawi, marami ang sinasabing nasugatan matapos na sila ay sorpresahin ng malakas na hangin sa loob ng kanilang mga bahay.

Halos zero visibility ang naganap sa malaking bahagi ng lugar matapos na itaas at ikalat ang malakas na hangin ang mga nakaimbak na lahar.

Bukod dito, naapektuhan din ng ‘freak thunderstorm’ ang transformer ng kuryente sa bayan ng Sta. Cruz na nagresulta sa pagkakaroon ng power failure sa maraming lugar dito. (Ulat ni Ding Cervantes)

AYON

BAGAMAT

BARANGAY MANIBAUG PASIG

BUKOD

CRUZ

DING CERVANTES

DR. EMMANUEL GUANLAO

LINGGO

MT. PINATUBO

PROVINCIAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with