Suspek sa Agarao slay, nasakote
April 24, 2001 | 12:00am
Isa pang suspect sa pagpaslang sa abogadong asawa ni Crusade Against Violence (CAV) chairman Carina Agarao ang nadakip ng mga tauhan ng PNP- Special Action Force (SAF) sa isinagawang operasyon sa Lumban, Laguna.
Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Crame, prinisinta ni Senior Supt. Rodrigo de Gracia, spokesman ng PNP ang suspect na nakilalang si Bernardo Togue Garbo, alyas Berro Togue, tubong Sta. Cruz at itinuturong leadman sa pagpaslang kay Atty. Clarence Agarao.
Sinabi ni de Gracia na ang suspect ay nasakote dakong alas-4 kamakalawa ng hapon sa barangay Balubad sa bayan ng Lumban.
Habang inaaresto ay nagtangka pa umanong manlaban ang suspect kaya napilitan ang mga pulis na pukpukin ito ng baril sa ulo.
Si Garbo, tulad ng mga naunang suspect na inaresto sa naturang kaso ay may patong sa ulo na P100,000.
Ang suspect ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Francisco Go ng Sta. Cruz Regional Trial Court kaugnay sa pagpaslang kay Atty. Agarao noong Abril 1996.
Sa kabila nito, iginiit ng suspect na wala siyang kinalaman sa krimen at hindi niya kilala si Luisito San Juan, ang nakatakas na suspect na sangkot din sa krimen. (Ulat ni Joy Cantos )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest