Sa isang ulat na tinanggap ng militar, dinukot ng mga bandido ang isang Nucom Undali ng Jolo habang ito ay namamalengke.
Agad na isinakay sa isang motorsiklo ng mga bandido ang biktima patungo sa bulubunduking bahagi ng Jolo.
Ayon kay Sulu PNP provincial director Candido Casimiro, wala pa umanong ransom na ipinaparating o hinihiling ang mga bandido sa pamilya ng biktima.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ukol sa panibagong kaso nang pandurukot ng mga bandidong Abu Sayyaf. (Ulat ni Rose Tamayo)