Peace talks panel pa-Norway bukas
April 24, 2001 | 12:00am
ALAMINOS CITY Nakatakdang tumungo sa Oslo, Norway ang government peace panel bukas (Miyerkules) para sa itinakdang resumption ng peace talks sa pagitan ng National Democratic Front (NDF) sa darating na Abril 27 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary Hernani Braganza, miyembro ng peace panel na tatalakayin nila ang frameworks ng negosasyon at ang isyu na kailangang i-discuss.
Binanggit pa nito na may dalawang pangunahing isyung tatalakayin, ang comprehensive agreement of human rights and international law (CARHRIL) at ang socio economic reform agenda (SERA) sa pagitan ng kanilang grupo at ng NDF.
Idinagdag pa nito na ang delegado ng pamahalaan ay pangungunahan ng kanilang chairman na si Silvestre Bello III, Rene Sarmiento, Risa Hontiveros, Chito Gascon at ng kanyang komite.
Ang pag-uusap ay tatagal hanggang sa Mayo 1.
Nang tanungin tungkol sa sinseridad ng NDF, binanggit ni Braganza na naniniwala sila na sinsero ang grupo sa kanilang isasagawang mga pag-uusap.
Isa sa patunay umano ay ang pagbalik sa bansa ni Antonio Zumel buhat sa Netherlands na doon ito na-exile ng may 12 taon at isang signales na nagpapakita ng kanilang sinseridad. (Ulat nina Eva de Leon at Cesar Ramirez)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest