Anak na dalagita hinalay ng sariling ama

KALIBO, Aklan – Dahil ayaw maniwala ng isang ama na ang anak na dalagita ay hindi nakikipag-sex sa kanyang boyfriend kapag sila ay nagtatagpo tinikman niya ito para malaman kung ito ay isang pang virgin.

Ang suspek na kasalukuyang nakakulong ngayon sa bilangguan ay nakilalang si Camelo Sinag, 41 anyos na ama at residente ng Balete, Aklan.

Ayon sa biktima na itinago sa pangalang Rica, kamakalawa ng gabi sila umano ay nagkukuwentuhan ng kanyang ama na noon ay lasing sa alak.

Inakusahan siya nito na umano ay nakitang nakikipag-sex sa kanyang kasintahan sa isang bakanteng bahay na agad naman nitong pinabulaanan.

Nagalit ang suspek sa anak kaya para malaman na nagsasabi ng totoo ang anak ito ay puwersahan niyang inihiga sa lamesa at pagkatapos na hubaran ay saka ito hinalay.

Matapos ang panghahalay ay doon lang naniwala ang ama na totoo ang sinasabi ng kanyang anak na ito ay isang virgin at siya ang nakauna dito.

Agad namang nagsumbong sa awtoridad ang biktima at inireklamo ang ama ng panghahalay at nakumpirma naman ng health officer ng Balete health clinic sa medical result na ito ay nahalay. (Ulat ni Jun Aguirre)

Show comments