4 pugante balik-kalaboso

CAMP OLIVAS, Pampanga – Apat sa sampung preso na pumuga sa loob ng Dinalupihan detention cell sa lalawigan ng Bataan noong bisperas ng Mahal na Araw ang muling humihimas ng rehas na bakal matapos na madakip muli ng mga tauhan ng Bataan-PNP, kamakalawa.

Nakilala ang mga nadakip na pugante na sina Arnel Teodoro, David Cayanan, Edgar Bacani at Roberto Raguno.

Ang anim pang natitirang mga preso ang kasalukuyan pang tinutugis ng mga awtoridad na kasama sa naganap na jailbreak ay nakilalang sina Jomar Noveras, Dumulong Castillo, Sammy Faustino, Frederick Go, Armando Lesma at Carlito Almene. (Ulat ni Jeff Tombado)

Show comments