^

Probinsiya

Libong tipaklong sumalakay

-
ILOILO CITY – Libu-libong mga itim na tipaklong ang sumalakay sa isang bayan dito, dahilan upang magkulong sa kanilang mga tahanan ang mga residente.

Tinatayang tatlo hanggang apat na inches ang haba ng mga itim na tipaklong na sumalakay sa bayan ng Sta. Barbara, 16 na kilometro ang layo sa nabanggit na siyudad.

Ayon sa mga residente, ang mga tipaklong ay hindi pa maituturing na mapaminsala dahil sa ang mga ito ay mga bata pa, subalit sa loob lamang ng dalawang linggo ang mga locust na ito ay pinangangambahan nang mananalanta ng ekta-ektaryang pananim kung mananatili ang mga ito sa nabanggit na lugar.

May mga ulat na ilang residente ang nanguha ng mga buhay na tipaklong na ginagawa nilang ulam na tinatawag nilang grasshopper stew.

Ayon kay Ted Cordero, residente sa nabanggit na bayan na ang mga insekto ay nag-landed sa likurang bahagi ng Sta. Barbara Elementary School at sa ilang bahagi ng Roosevelt Street. (Ulat ni Leo Solinap)

AYON

BARBARA ELEMENTARY SCHOOL

LEO SOLINAP

LIBU

ROOSEVELT STREET

TED CORDERO

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with