Ama na pumatay ng asawa at 3 anak tinutugis
April 21, 2001 | 12:00am
Nagpalabas ng malawakang manhunt operation ang pulisya laban sa isang seaman na brutal na pumatay sa kanyang asawa at tatlong anak na natagpuang lumulutang ang mga bangkay sa isang ilog sa bayan ng Bayombong, Nueva Viscaya.
Ang suspek na kasalukuyang nagtatago sa isang lugar sa Metro Manila ay nakilalang si Danilo Apalia, 45.
Si Apalia ang siyang itinuturong suspek sa pagpatay sa kanyang asawang si Rosie, 42 at mga anak na sina Cherry Claire,15; Mark Anthony, 12 at Michael Angelo 6 na pawang mga taga Taytay, Rizal.
Sa ulat na nakarating kay PRO 2 Commander P/Chief Supt. Dominador Resos na posibleng tinorture, pinukpok ng matitigas na bagay sa mukha at binigti ang mga biktima bago ito pinagsasaksak.
Ilang residente malapit sa ilog ang nagsabing may nakita silang Mitsubishi Adventure na pumarada sa malapit sa ilog subalit hindi tiyak ang mga ito kung ang suspek at ang mga bangkay ng mga biktima ang sakay nito.
May posibilidad na ang mga biktima ay pinatay sa Taytay,Rizal at doon lang itinapon para iligaw ang pulisya sa pagsisiyasat.
Ipinalagay ng mga awtoridad na nasa impluwensiya sa droga ang suspek nang isagawa ang karumal-dumal na krimen matapos umanong malaman nito na ang kanyang asawa ay may kalaguyo habang ito ay nagtatrabaho sa Estados Unidos.
Ang suspek ay nakalabas na ng bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest