3 bigtime drug pushers nasakote
April 20, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Calamba Tatlong bigtime pusher, kabilang ang isang negosyante ang dinakip ng mga tauhan ng 4th Regional Narcotics Office sa isinagawang serye ng drug operation sa Cavite at Rizal, kahapon.
Kinilala ni Donatilo Balabala, 4RNO chief ang mga nadakip na sina Regalado Samartino, 51, alyas Onjet, negosyante ng Noveleta, Cavite; Elmer Vicencio, 25, ng Cainta Rizal at Sobia Bandara, 43, alyas Sobia, ng Litex, Quezon City.
Sinabi ni Balabala na si Onjet ay ama ng isang kandidato para konsehal sa Cavite at tatlong ulit ng nadakip sa mga drug operation .
Nasamsam sa kanya ang ilang plastic sachet na naglalaman ng shabu.
Habang si Elmer naman ay kilalang supplier ng shabu sa Cainta Rizal, samantalang si Sobia ay tubong Mindanao at may koneksyon sa mga local drug syndicate.
Ito ay nahulihan ng 200 gramo ng shabu.
Ang mga nadakip ay kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya sa Cavite at Rizal at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended