1 pang kandidato patay sa ambush
April 20, 2001 | 12:00am
Isang dating tauhan ng pulisya na nakatakdang tumakbo bilang provincial board member ang inulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang grupo ng kalalakihang pinaniniwalaang miyembro ng rebeldeng NPA sa Sitio Malapayungan, Purok Uno, Barangay Nakalaya ng nasabing bayan kahapon ng madaling araw.
Sabog ang ulo at wala nang buhay ng bumagsak sa lupa ang biktima na nakilalang si Jose Bulalacao, 57, ng Purok 6, Barangay Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte .
Ang biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre. 45 baril sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo na agad nitong ikinamatay.
Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw kahapon habang ang biktima ay papauwi na sa kanilang bahay buhat sa pangangampanya sakay ng L300 van.
Pagsapit sa Sitio Malapayungan ay bumaba ang biktima upang kunin ang kanyang dalang motorsiklo na iniwan sa bahay ni Kagawad Arnulfo Nepa.
Ayon sa ilang saksi, dalawang kalalakihan ang agad na lumapit sa biktima at walang sabi-sabing pinaputukan ito sa ulo.
Napag-alaman pa na ang nasawi ay naging deputy chief of police sa Jose Panganiban. Ito ay naging provincial jail warden din.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinasabing ang biktima ay matagal na umanong nasa order of battle ng NPA.
Isa sa anggulong pinag-aaralan ay kung may kinalaman ito sa ipinatutupad ng NPA na permit to campaign na kung saan ang halagang hinihingi para sa kandidato para sa provincial board member ay umaabot sa P50,000. (Ulat nina Francis Elevado at Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest