^

Probinsiya

1st elected Bacolod mayor, patay sa sunog

-
BACOLOD CITY – Nasawi sa naganap na sunog ang kauna-unahang elected Bacolod mayor na naganap sa mismong tahanan nito sa Tana Dicang Street, Barangay 39 dito, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay makaraang isugod sa Riverside Medical Center si Felix Palcorin Amante, 93. Bukod sa respiratory arrest secondary to asphyxia, nagtamo din ang dating mayor ng 2nd degree burns sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Ang sunog na pinaniniwalaang sanhi ng faulty electrical wiring ay nagsimula sa kuwarto ng apo ni Amante na si Felix Eduard Amante sa ikalawang palapag ng Amante residence, ayon kay Bacolod Fire Marshall Senior Inspector Jerry Candido.

Ang dating mayor ay nadiskubreng nakadapa sa gilid ng kanyang kama malapit sa bintana, palatandaan na nagtangka itong lumabas sa nasusunog na bahay.

Si Amante ay dati ring kongresista at nagsilbi ring gobernador ng Negros Occidental.

Isa siya sa itinuturing na oldest surviving alumnus ng Negros Occidental High School, isa sa pinakamatandang secondary schools sa bansa. (Ulat ni Antonieta Lopez)

ANTONIETA LOPEZ

BACOLOD FIRE MARSHALL SENIOR INSPECTOR JERRY CANDIDO

FELIX EDUARD AMANTE

FELIX PALCORIN AMANTE

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL HIGH SCHOOL

RIVERSIDE MEDICAL CENTER

SI AMANTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with