3 pahinante sinilaban: 1 patay, 2 grabe
April 18, 2001 | 12:00am
Sinilaban nang buhay ang isang pahinante, habang dalawa pa nitong kasamahan ang nasa kritikal na kondisyon makaraang paulanan ng punglo at sunugin sa loob ng kinalululanan nilang ten wheeler truck ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa malagim na insidente sa Makilala, Cotabato, kamakalawa.
Ang biktima na natusta nang buhay ay kinilala lamang na alyas Jonjon.
Samantalang ang dalawa nitong kasamahang pahinante na kapwa nagtamo ng 3rd degree burns at nasa kritikal na kalagayan ay nakilalang sina Hubered Dua at Joel Librea.
Sina Dua at Librea ay kapwa nilalapatan ng lunas sa Sto. Niño Hospital sa Makilala, Cotabato.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo naganap ang insidente dakong ala-1:20 ng madaling araw nang bigla na lamang sumulpot ang mga rebeldeng MILF ng matanawan ng mga ito ang na-stranded na ten wheeler truck na punong-puno ng mga kargang kahoy sa may Sitio Tumbo, Barangay Old Bulatukan, sa nasabing lalawigan.
Ang mga biktima ay nakatulog na umano sa loob ng truck sa sobrang pagod matapos na pansamantalang iwan ng kanilang driver na nagtungo sa Digos City upang humingi ng tulong.
Matapos paulanan ng bala ay sinilaban ng mga rebelde ang nasabing truck at hindi alintana na nandoon ang tatlong biktima.
Kasamang nagliyab sa loob ng truck ang mga kargang kahoy at ang isang sibilyan.
Matapos ang isinagawang paghahasik ng karahasan ay mabilis na tumakas ang mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest