Gayunman, agad na klinaro ng ilang source sa militar sa Cotabato City na ang convoy ang siyang inambus ng mga armadong kalalakihan na naka-posisyon sa may highway, na siyang naging ugat ng maikling pagpapalitan ng putok ng magkabilang panig.
Tumanggi ding magbigay pa ng komento ang sources, patungkol sa kung mga sundalo o politiko ang lulan ng mga sasakyan na sinasabing magsasagawa ng campaign sortie sa ilang lugar sa unang distrito ng Maguindanao.
Kinilala ng police investigators ang mga nasawi na sina Bainot Gunda, 56; Nasser Buka, 13 at Abdusalam Gunda, 5, na pawang nasawi bunga ng maraming tama ng bala ng baril sa kanilang katawan.
Sinasabi ng mga testigo na ang mga biktima ay nasa gilid ng Cotabato-Isulan Highway sa Barangay Baka sa Datu Odin Sinsuat nang magpaulan ng bala ng baril ang security escort ng convoy.
Nakilala naman ang lima pang sugatan na sina Noraisa at Tato Kusain, ang kanilang ina na si Labiyu, Salipada Masukat at Abubakar Salipada.
Sinabi naman ni Army spokesman, Major Julieto Ando, na naganap ang lababan ng paulanan ng bala ng baril ng mga armadong kalalakihan ang sasakyan ng 6th Infantry Battalion, dahilan upang gumanti ng pagpapaputok ang militar. Gayunman ang mga inosenteng sibilyan ang siyang tinamaan at nadamay. (Ulat ni Joy Cantos)