^

Probinsiya

Ama dinukot, 2 anak inalpasan

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Isang ama ang iniulat na dinukot ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihan na nagpakilalang mga pulis sa Calamba, Laguna, kamakalawa.

Samantala ang dalawang paslit na anak nito na kasama ng biktima nang maganap ang pagdukot ay narekober na ng mga tauhan ng 4th Regional Mobile Group at Los Baños Police Station sa harap ng isang beach resort sa Barangay Lalakay, Los Baños. Ito ay nasa loob ng kanilang sasakyang isang Mitsubishi Lancer na may plakang WEX-601.

Kinilala ni Chief Superintendent Domingo Reyes Jr., ang kidnap-victim na si Danny Blas, alyas Danny, ng Block 14, Lot 59 Katapatan Mutual Homes, Banay-banay, Cabuyao, Laguna.

Samantala, ang dalawang anak nito na natagpuan na ng mga awtoridad ay nakilalang sina Dan Jommel, 7 at Jean Leslie, 4.

Ang dalawang bata ay natagpuan sa loob ng kanilang sasakyan na inabandona ng mga suspect sa harap ng Palm Spring Resort.

Sinabi sa ulat na dakong alas-5 ng hapon kamakalawa ay kagagaling pa lamang ng mag-aama sa Tanauan, Batangas na doon inihatid ng biktima ang kanyang misis na si Amelita.

Matapos maihatid ang asawa ay huminto ang mga ito sa isang food chain sa Calamba na doon nilapitan sila ng mga suspect na nagpakilalang mga pulis.

Kaagad na sumakay ang mga suspect sa sasakyan ng mag-aama at dinala ang mga ito sa hindi malamang direksyon.

Makalipas ang ilang minuto, inabandona ng mga suspect ang sasakyan ng biktima at ang dalawang paslit at inilipat ang kanilang ama sa ibang sasakyan at dinala sa hindi malamang lugar.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa kumokontak ang mga kidnappers sa pamilya ng biktima. (Ulat ni Ed Amoroso)

BARANGAY LALAKAY

CALAMBA

CHIEF SUPERINTENDENT DOMINGO REYES JR.

DAN JOMMEL

DANNY BLAS

ED AMOROSO

JEAN LESLIE

KATAPATAN MUTUAL HOMES

LOS BA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with