^

Probinsiya

Jueteng den sinalakay: 79 katao tiklo

-
Pitumpu’t siyam na mga jueteng personnel ang naaresto ng mga tauhan ng DILG-Task Force Jericho sa isinagawang magkakahiwalay na pagsalakay sa lalawigan ng Tarlac at Pampanga nitong nakalipas na Mahal na Araw.

Sa ulat ni DILG-TF Jericho chief, Supt. Raul Castañeda kay Secretary Joey Lina,unang sinalakay ng kanyang mga tauhan ang jueteng den sa Bgy. Maliwalo, Tarlac City at dito ay naaresto ang 43 personnel at nakumpiska ang P 13,600 bet collections at paraphernalias noong Miyerkules.

May 20 katao naman ang sinunod na naaresto sa may Bgy. Mayantok, Camiling, Tarlac na kung saan ay tangka pang tumakas ang mga ito dala ang P 4,360 bet collections subalit hinabol ang mga ito at nahuli.

Nitong Sabado De Gloria ay sinunod na sinalakay ang jueteng den sa Pulong Maragul, Angeles City at anim dito ang naaresto at nakumpiska ang P 3,980 collections.

Ang pinakahuli ay ang jueteng den sa Bgy. Manupis, Camiling at sampu naman ang nahuli at nakumpiska ang P1,362 collections.

Inirekomenda ni Supt. Castañeda kay Secretary Lina na imbestigahan ang mga hepe ng pulisya na nahulihan ang mga lugar nila ng jueteng. (Ulat ni Rudy Andal)

ANGELES CITY

BGY

CAMILING

NITONG SABADO DE GLORIA

PULONG MARAGUL

RAUL CASTA

RUDY ANDAL

SECRETARY JOEY LINA

SECRETARY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with