Kandidatong konsehal dinukot
April 16, 2001 | 12:00am
OCAMPO, Camarines Sur Isang Bgy. Chairman na kasalukuyang kumakandidatong konsehal ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa loob ng kanilang bahay sa Bgy. Hanawan noong nakalipas na Biyernes Santo.
Ang biktima ay nakilalang si Miguel Butin,40,may-asawa, kandidatong konsehal sa ilalim ng partido ng People Power Coalition (PPC).
Lumalabas sa ulat ng pulisya na naiwang mag-isa ang biktima sa loob ng kanilang bahay dahil ang pamilya nito ay sumama sa prusisyon.
Bigla na lamang puwersahang pumasok ang mga di nakilalang kalalakihan na armado ng baril dakong alas 8:45 ng gabi.
Inilabas ng mga suspek ang biktima at isinakay sa isang motorsiklo na walang plaka at dinala sa hindi pa mabatid na direksyon.
Patuloy na inaalam ng pulisya kung ang pagdukot sa biktima ay may kaugnayan sa darating na halalan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended