Dahil sa jailbreak, hepe ng pulis sinibak
April 15, 2001 | 12:00am
Sinibak sa puwesto ang hepe ng pulisya ng Dinalupihan police station dito sa lalawigan ng Bataan sa naganap na pagpuga ng sampung bilanggo noong nakalipas na Lunes bago bumisita ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para dumalo sa Araw ng Kagitingan.
Inirekomenda ni Bataan Police Director Supt. Perfecto Palad kay Police Regional Office 3(PRO3) Director Chief Supt. Enrique Galang ang pagsibak sa puwesto ni Supt. Darlito Gonzalo kasabay ng pagsasampa ng kasong gross negligence at command responsibility.
Gayundin ang buong night-shift na tauhan nito ay sinibak sa kanilang mga puwesto habang isasailalim sa masusing imbestigasyon hinggil sa pagpuga ng mga preso sa kanilang himpilan.
Ipinalit sa puwesto si Sr./Insp. Rommel Velasco bilang bagong hepe. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended