Lola grabe sa saksak ng apo
April 11, 2001 | 12:00am
TANZA, Cavite Nasa kritikal na kondisyon makaraang magtamo ng labinlimang saksak sa katawan ang isang 66-anyos na lola mula sa kanyang sariling apo na umanoy hindi nito pinapasok ng bahay, kamakalawa ng gabi sa Villa Monteverde Subdivision, sa bayang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Francia Lerma, ng nabanggit na lugar.
Samantalang ang apong suspect na nasakote rin ng pulisya matapos ang ginawang pananaksak ay nakilalang si Ariel Bandelaria, 24, walang trabaho, ng nasabi ring lugar.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Richard Atienza, may hawak ng kaso, dakong alas- 11:50 ng gabi ng maganap ang insidente habang ang biktima umano ay natutulog na sa loob ng bahay nang dumating ang suspect at pinagdiskitahan nito ang kanyang lola.
Dahil sa galit ng matanda ay pinalabas nito ang apo at hindi na pinapasok ng bahay. Gayunman, gumawa ng paraan ang suspect na makapasok at nang mapasok ang bahay ay agad nitong pinagsasaksak ang kanyang lola.
Matapos ang pananaksak ay tumakas pa ang suspect subalit natunton din siya ng mga tauhan ng pulisya. (Ulat nina Cristina Timbang/ Mading Sarmiento)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest