^

Probinsiya

Ex-NPA rebels todas sa ambush

-
STO. TOMAS, Batangas – Isang dating New People’s Army (NPA) na nagbalik-loob na sa gobyerno ang nilikida ng mga pinaghihinalaang rebelde kamakalawa ng umaga sa bayang ito.

Ayon sa report, dead on the spot si Ramilito De Chavez, alyas Ka Lito, 29, ng Barangay San Pablo, Santo Tomas, Batangas at pinaghihinalaang dating kanang kamay ni Ka Hector Mabilangan ng Banahaw Command.

Base sa ulat ni SPO1 Danilo Macandili, may hawak ng kaso, bandang alas-8 ng umaga ng tambangan ng apat na kalalakihan na may edad mula 20 hanggang 25 si De Chavez at pagbabarilin hanggang mamatay sa may basketball court ng nasabing barangay.

Nabatid sa mga saksi, matapos pagbabarilin ng mga suspect ang biktima, sumigaw pa umano sila ng "Huwag makikialam, mga NPA kami" at naglakad lamang papalayo sa lugar ng pinangyarihan.

Narekober naman ang dalawang basyo ng cal .45 at isang basyo ng cal .9mm ang mga operatiba ng Sto. Tomas police station.

Hindi pa mabatid kung ano ang motibo ng pagpaslang sa biktima samantalang patuloy naman ang pagtugis ng mga pulis sa mga suspect. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BANAHAW COMMAND

BARANGAY SAN PABLO

BATANGAS

DANILO MACANDILI

DE CHAVEZ

KA HECTOR MABILANGAN

KA LITO

NEW PEOPLE

RAMILITO DE CHAVEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with