2 grupo ng robbery gang nagbarilan: WPD cop na lider ng gang todas
April 11, 2001 | 12:00am
Dalawang pinaghihinalaang miyembro ng robbery group, kabilang dito ang isang pulis-Maynila na sinasabing lider ng naturang grupo ang iniulat na nasawi sa naganap na running gunbattle sa pagitan ng Southern Tagalog police force sa Laguna matapos na looban ng grupo ang Smart telecommunication sales office sa Los Baños ng nabanggit na lalawigan, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Chief Superintendent Domingo Reyes, Southern Tagalog police director ang nasawing mga suspect na si PO1 Nelson Abarquez, lider ng Abarquez/ Waray-Waray Gang na nakadestino sa WPD Station 4 at Jinggoy Seludo, ng Dagat-Dagatan, Caloocan.
Samantala, tatlo pa nilang kasamahan ang nadakip, ang mga ito ay nakilalang sina Cludualdo Francesa ng Trece Martirez City, Cavite; Lamberto at Paran Pakanza, ng Malate, Manila.
Ang tatlo ay nadakip matapos makorner ng pulisya ang sinasakyan nilang kotse na bumangga sa isang puno sa may highway.
Base sa ulat, nilooban umano ng limang suspects ang Smart sales office na pag-aari ng mag-asawang Rene at Melissa Lumactod sa Barangay Anos, Los Baños dakong alas-7:30 ng gabi at natangay ng mga suspect ang dose-dosenang cellular phones, cell cards at mga SIM cards na nagkakahalaga ng P350,000 at cash .
Sugatan umano si Rene matapos na paluin ng baril sa ulo ng isa sa mga suspect.
Agad namang nakarating sa pulisya ang naganap na panghoholdap kung kaya mabilis na nagresponde ang mga ito.
Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga suspect na lulan ng isang kotseng Toyota na may plakang UYR-729 at nagrespondeng tauhan ng pulisya. Imbes na sumuko ay pinaputukan pa ng mga ito ang humahabol sa kanilang tauhan ng pulisya. Wala namang nagawa ang mga pulis kundi gumanti nang pagpapaputok na dito tinamaan at napatay ang pulis na si Abarquez at Seludo.
Sa isinagawang beripikasyon sa WPD nabatid na si Abarquez ay nasa talaan na nila ng AWOL ilang buwan na ang nakakaraan.
Nasamsam sa mga suspect ang 41 units ng kinulimbat na cellphones, isang kalibre .38 at .45, M 16 armalite rifle at cash na nagkakahalaga ng P5,780. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest