32 armas ng Sayyaf narekober
April 10, 2001 | 12:00am
Isang sundalo ang iniulat na nasugatan, habang 32 matataas na kalibre ng armas ang narekober ng tropa ng militar sa ika-isang linggong inilunsad na all-out war ng pamahalaan laban sa mga bandidong Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu.
Sinabi ni Brig. Gen. Edulberto Adan, tagapag-salita ng AFP na 32 matataas na kalibre ng armas ang nasamsam ng mga operatiba ng militar matapos na salakayin ang pinagkutaan ng ASG sa Barangay Tiptipon, Panglima Estino, Sulu, dakong alas-12:25 ng hapon.
Ang nasabing raid ay nagresulta sa pagkakarekober ng 32 matataas na armas at mga bala.
Ang nasamsam na mga kagamitan pandigma mula sa bandidong grupo ay idineposito sa 2nd Scout Ranger Battalion para sa kaukulang disposisyon. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest