Jailguard nawili sa panonood ng sayawan, natakasan ng 5 preso
April 10, 2001 | 12:00am
TAGKAWAYAN, Quezon Nalalagay ngayon sa balag ng alanganin ang isang municipal jailguard matapos na ito ay matakasan ng limang preso habang abala sa panonood ng sayawan sa covered court ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ang jailguard na nakilalang si PO2 Nestor Lantin, habang tinutugis naman ang tatlo sa limang tumakas na nakilalang sina Romeo Rodil, may kasong carnapping; Narciso Umano at Emmanuel Marasigan na kapwa may kasong robbery.
Agad namang nadakip ang dalawa pang bilanggo na sina Edgardo Lampas at Edgardo Dizon.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, abala umano sa panonood sa sayawan sa covered court dakong alas-10 hanggang alas-11 ng gabi si PO2 Lantin nang samantalahin ng 5 sa 13 na presong nakapiit sa Tagkawayan Municipal Jail ang pagwasak sa rehas na bakal ng selda.
Nang makalabas ang mga preso ay tinakpan nila ng kumot ang baluktot na rehas upang hindi madiskubre ng mga awtoridad ang kanilang pagpuga.
Nadiskubre lamang ang pagtakas ng limang preso kinabukasan. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest