Pangungunahan ng mga matataas na opisyal ng Bataan ang nasabing okasyon na ang magiging pangunahing pandangal ay si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo na siyang magbibigay ng mahalagang mensahe sa mga beterano.
Sinabi naman ni Cong. Antonino Roman Jr., na hihikayatin niya ang mga kasamang mambabatas na pag-ukulan ng pansin na maiangat ang pensyon ng mga beterano sa taong ito. (Ulat ni Jonie Capalaran)