Ito ang naging pahayag ni Cavite IID-PNP C/Supt. Manuel Gaerlan at Rosario Chief of Police, C/Insp. Pablo Zorilla matapos ang malalim na imbestigasyon na kanilang isinagawa.
Ang biktimang si Diego Flores, 32, ng Mariveles, Bataan ay napatay dahil sa umanoy ilegal na pangingisda sa karagatan na nasasakupan ng Rosario, Cavite noong Marso 27, 2001.
Lumabas sa ibat-ibang pahayagan (hindi kasali ang PSN) na ang Cavite Task Force Kalikasan na binuo nina Governor Ramon Bong Revilla Jr. at Board Member Edwin Strike Revilla ang pinagbintangan na may kinalaman sa pagpatay kay Flores.
Subalit nang maaresto ng awtoridad ang mga suspek na sina Ronilo Glorian at Roberto Estravez ay agad umamin na sila ang nakapatay sa biktima at walang kinalaman ang nasabing task force ng mag-utol na Revilla. (Ulat ni Cristina Timbang)