Ito ang iniulat ng Peoples Task Force for Bases Clean-Up executive director Myrla Baldonado, kasabay nang pagbibigay papuri sa pagpupursige ni Bise-presidente at Foreign Affairs Secretary Teofisto Guingona Jr. na muling buhayin ang naturang isyu.
Nakilala ang mga nasawi na sina Jerico Maniago, 12 at Manuel Pamintuan, 28 na nagtamo ng congenital at severe liver ailments na isinisisi sa toxic waste contaminations.
Gayundin, ipinasok naman sa ibat-ibang pagamutan sina Jericho Rabanes, 8 buwan; Regine Balagtas, 2; Andrew Dizon, 3; Edison Baluyot, 14; Roger Bungue, 31; Ciriaco Manzano, 45 at Avelina Manalo, 57. Hindi agad nakuha ang pangalan ng iba pang nasa kritikal na kalagayan.
Idinagdag pa ni Baldonado na may 12 iba pang bata ang dinala sa Lingap Clark program ng Peoples Task Force para isailalim sa clinical at diagnostic test.
Tatlo sa mga ito ang nadiskubreng may leukemia na kinabibilangan nina Erika Bamba, 8; Jayson Alcanta, 6 at Jerrica Tolentino. (Ulat ni Rose Tamayo)