Mahalaga umano na sumailalim na sa rehabilitasyon ang mga kalsada, tulay, paaralan, mga kabahayan at maging mga commercial areas na nasira dahil sa naging kaguluhan sa nasabing rehiyon noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada.
"Isa ito sa paraan upang makumbinsi natin ang ating mga kapatid na Muslim na seryoso ang Arroyo administration sa kapakanan ng mga mamamayan sa Mindanao", ani Lozada.
Noon umanong nakalipas na administrasyon nagkaroon na rin ng mungkahi na isailalim sa marshall plan ang Mindanao, subalit mariin itong tinutulan dahil sa all-out-war policy ng pamahalaang Estrada laban sa mga rebeldeng Muslim.
Sa ngayon umano ay malaki ang pag-asa na magtagumpay ang mini-marshall plan dahil nagkasundo na ang pamahalaan at ang MILF na tigilan na ang putukan at pag-usapan naman ang kapayapaan sa nasabing rehiyon. (Ulat ni Marilou Rongalerios)