Granada sumabog: 2 katao patay, 3 grabe
April 8, 2001 | 12:00am
Dalawa katao ang kumpirmadong nasawi, habang tatlo pa ang nasa kritikal na kondisyon makaraang aksidenteng sumabog ang isang granadang pinaglaruan ng isang lasing, kamakalawa sa Panabo City, Davao del Norte.
Halos nagkagutay-gutay ang katawan ng dalawang nasawing biktima na nakilalang sina Nestor Paculanag at Bismen Laag.
Nakilala naman ang tatlong nasa kritikal na kondisyon na sina Sheila Manto, Eric Laag at Crisanta Clemencio.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-11 ng gabi ng maganap ang insidente sa Gumamela St., Northern Plain Subdivision, Barangay New Visayas, Panabo City.
Agad namang nadakip ang lasing na suspect na may kagagawan sa pagsabog na nakilalang si Ramon Laag, alyas Jun.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, sumambulat ang granada na dala ng lasing na suspect na inilagay nito sa may gate ng kanilang bahay.
Tiyempo naman na doon tumigil ang mga biktima na siyang natiyempuhan ng pagsabog nito.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended