4 DENR officials sinuspinde
April 7, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Isang assistant regional executive director ng DENR na nakatalaga sa Southern Tagalog Regional Office at tatlong iba pang environment officer ang sinuspinde dahil sa paglabag sa anti-graft and corrupt practices act.
Ang mga ito ay nakilalang sina Lino Rustia, director for technical services ng DENR Region 4; Segundino Martin, OIC- provincial environment officer sa Palawan; Danilo Querijero, dating provincial environment officer sa nabanggit ding lalawigan at Mariano Lilang Jr., land management officer III, CENRO, Taytay, Palawan.
Ang tatlong huli ay sinuspinde matapos na magsabwatan sa pagbibigay ng titulo sa lupa na nakatitulo na sa ilalim ng Free Patent Program na pumabor sa isang Cecilia Valino ng Balabac, Palawan, samantalang si Rustia naman noong ito ay provincial officer sa Pampanga ay nagpalabas din ng titulo na Free Patent sa lupain na sakop ng Clark Military Reservation sa Pampanga. Ang Free Patent, ayon sa batas ay para lamang sa public land na nakalaan sa agricultural purposes. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest