3 paslit hinostage ng adik
April 5, 2001 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Tumagal ng mahigit sa dalawa at kalahating oras ang naganap na hostage drama bago napasuko ang isang 30-anyos na mister na pinaniniwalaang bangag sa ipinagbabawal na gamot at nanghostage ng tatlong paslit na kapitbahay, kahapon ng madaling araw sa Barangay Paliparan 3 ng bayang ito.
Ang suspect na napahinuhod nina Dasmariñas Mayor Pidi Barzaga at Superintendent Nestor Mendoza, hepe ng pulisya sa bayang nabanggit ay nakilalang si Alfredo "Jun" Panganiban, ng naturang lugar.
Ayon sa ulat ni PO3 Jo Patambang, may hawak ng kaso dakong alas-2 ng madaling araw nang magsimulang mang-hostage ang suspect.
Nabatid sa salaysay ng misis ng suspect na si Mila, na nasa kahimbingan na sila ng tulog ng dumating ang kanyang asawa na basang-basa at may hawak na kalawit.
Wala sa sarili itong nagsumiksik sa natutulog nilang anak at nagsabing hinahabol umano siya ng may 30 maligno.
Dahil sa takot agad na humingi ng tulong si Mila sa pulisya, subalit nang dumating sila sa kanilang bahay ay wala na doon ang kanyang mister at lumipat pala sa kanilang kapitbahay at doon hinostage ang tatlong paslit.
Sinubukan itong kausapin ng pulisya subalit pawang walang naririnig. Tumagal ng may dalawang oras at kalahati bago napahinuhod at napasuko ang suspect.
Napalaya rin nito ang mga bihag na bata na nagtamo lamang ng mga galos sa katawan bunga ng pagkahawak sa kanila ng praning na suspect. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended