Pumasok sa hindi niya bahay para manggulpi, napatay

SAN ANDRES, CATANDUANES– Hinanap ng isang lalaki ang kanyang kamatayan nang ito ay pagtatagain ng may-ari ng bahay na kanyang pinasok para lang manggulpi kamakalawa ng umaga sa Bgy. Divino Rostro ng bayang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Domingo Laurente, 47, may-asawa, obrero at residente ng nasabing lugar.

Samantala ang suspek ay nakilalang namang si Ronnie Solero, 45, biyudo, magsasaka at kapit-bahay ng biktima.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na dakong alas 6:00 ng umaga ay mahimbing na natutulog ang suspek sa loob ng kanyang bahay nang bigla na lamang puwersahang pumasok ang suspek.

Walang sabi-sabi nitong ginulpi ang suspek na nagising dahil sa mga suntok na ibinigay ng biktima sa katawan at mukha nito.

Nakatayo ang suspek at nagtuloy sa kusina at kinuha nito ang kanyang itak at pinagtataga ang biktima.

Ang suspek ay kasalukuyang nakakulong habang inihahanda ang kaukulang kaso laban dito. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments