Supervisor todas ng bagsakan ng mga bakal
April 2, 2001 | 12:00am
SUBIC, ZAMBALES Isang construction welder supervisor ang nasawi matapos na mabagsakan ng mga scaffolding frames na binubuhat ng isang crane habang ito ay nagmamantine sa isang dry-dock ng Subic Shipyard and Engineering Co., sa Subic, Zambales, kahapon ng madaling araw.
Patay na nang idating sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) ang biktima na nakilalang si Manny Mendoza, 27, isang welder supervisor ng GCC Sub Contractor at residente ng Sitio Mapanao, Asinan Proper, Subic sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-2:15 ng madaling araw ay nagmamantina sa operasyon ng kanyang mga tauhan ang biktima sa isang cargo vessel sa Cargo No. 5 ng barkong MV Cemtex Leader.
Habang nasa kalagitnaan ng pagmamantine sa naturang operasyon ay isang crane ang nagsasagawa ng pagbubuhat ng mga scaffolding frames upang ilagay sa naturang barko nang biglang pumigtas ang bakal na kable ng crane at dire-diretsong bumagsak sa biktima na kaagad na ikinasawi nito. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Cristina Timbang | 17 hours ago
Recommended