6 katao todas sa tigdas
April 2, 2001 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY, PAMPANGA Anim katao ang naiulat na nasawi sa sakit na Measles o Tigdas, samantalang may siyamnaput-isa pa ang naitalang malubhang naapektuhan sa nasabing sakit sa naganap na Measles Outbreak sa lalawigan ng Pampanga at Bulacan, ayon sa ulat ng Regional Department of Health (DOH).
Sa ulat ng DOH regional office, lima sa nabanggit na mga biktima ay pawang mga batang katutubong Aeta na naninirahan sa Madapdap resettlement area sa Mabalacat, Pampanga.
Samantalang ang isa pang biktima na namatay dahil sa sakit na tigdas ay isa ring kabataan na nakatira sa Barangay Sto. Niño sa Macabebe sa lalawigan ng Pampanga.
Ayon kay Dr. Jessie Fantone ng Regional Office of the Department of Health Epidemiological section, sinabi nito na ang mga biktima ay namatay dahil sa hindi pagtanggap ng mga ito ng tamang imunisasyon upang labanan ang nakamamatay na sakit na tigdas na kumalat sa naturang lalawigan kung saan 22 katao na ang kasalukuyang naapektuhan ng sakit.
Binalaan din ng opisyal ang mga pamilyang naninirahan sa mga nabanggit na resettlement area na pansamantala munang huwag bumalik sa kanilang mga tahanan upang hindi mahawa ng kumakalat na sakit.
Nabatid din sa ulat ng naturang tanggapan na simula noong nakaraang Linggo ay may mga kaso na ng nabanggit na sakit ang naitala na umaabot sa 23 katao ang naapektuhan sa Macabebe, 14 sa Arayat na pawang sa lalawigan ng Pampanga at 32 katao naman sa Marilao sa lalawigan ng Bulacan. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 28, 2024 - 12:00am
November 27, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am