Bagong kultura ng turismo, ipinakikilala ni Gordon
April 1, 2001 | 12:00am
Inihayag kahapon ni Tourism Secretary Richard Gordon na ang ipinakilala niyang bagong kultura ng turismo hindi lamang sa departments internal organization kundi maging sa publiko ay umaani ng benepisyo sa industriya ng turismo sa bansa.
Binanggit ni Gordon na ang mga bagong oportunidad para ma-promote ang bansa bilang regular tourist destination ay maaaring sumagip sa paglugmok na industriya ng turismo dito.
Sa kanyang pagbisita sa Mindanao kamakailan, sinabi nitong kakaiba ang naturang island na minsang kinatakutan dahil sa naganap na labanan sa pagitan ng militar at mga rebelde noong nakalipas na taon.
Malaki umano ang inunlad ng peace and order situation ngayon sa Mindanao, ayon pa kay Gordon, makaraang magdeklara ang MILF nang kanilang pagnanais na lumahok sa peace talks ng pamahalaan.
Ang suliranin sa Mindanao noong nakalipas na taon, ay tumuon lamang sa ilang lugar at hindi sa kabuuan, kung kaya nagkaroon ng maling paniwala ang mga turista kaya sila napigilan sa pagbisita sa magagandang destinasyon sa rehiyon dala na rin ng naganap na secessionist war.
Ipinangako ng tourism secretary na pagtutuunan nila ng pansin para ma-promote ang magagandang tanawin sa Mindanao tulad ng Xavier Estates sa Cagayan de Oro at ang Samal Resort at Casino complex sa southern Mindanao. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest