Misis pinutulan ng kamay ni mister
April 1, 2001 | 12:00am
KAMPO SEMION OLA Isang misis ang iniulat na pinutulan ng kaliwang kamay ng kanyang sariling asawa matapos na ang mag-asawa ay magtalo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Fabrica, San Vicente, Camarines Norte, kamakalawa ng umaga.
Nakilala ang misis na nawalan ng kaliwang kamay na si Merly Rafer, 33.
Samantala ang suspect na mister na kaagad naman na nahuli ng mga awtoridad ay nakilalang si Jose Rafer, 35.
Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-6:30 ng umaga habang ang mag-asawa ay nagtatalo sa loob ng kanilang bahay.
Ang pagtatalo ay humantong pa sa pananaga ng lalaki sa babae dahilan upang mawalan ng kaliwang kamay ang misis.
Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang pinagmulan ng away ng mag-asawa at kung ano ang nagtulak sa mister para putulan ng kamay ang kanyang misis.
Isang masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng pulisya sa kasalukuyan. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended