2 sa Feliciano rape-slay suspek, nasakote
March 31, 2001 | 12:00am
Nahulog sa kamay ng pulisya ang dalawa sa apat na suspect na kapwa na responsable sa brutal na panggagahasa at pagpatay sa De La Salle graduate na si Claudine Mabelle Feliciano sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Cagayan Valley kahapon ng umaga.
Kinilala ni Parañaque City chief of police, Superintendent Ronald Estilles ang nadakip na mga suspect na sina Jojo Burgos at Ernesto Berry, welder, kapwa residente ng Barangay Bayanan, Muntinlupa City.
Ang mga suspect ay natunton ng pulisya makaraang magtago sa Sinait, South Centro, Sta Ana Cagayan Valley, makaraang magbigay ng impormasyon ang ilang asset ng pulisya tungkol sa pinagtaguan ng mga ito.
Sina Burgos at Berry na positibong kinilala ng mga testigo ay sinasabing kapwa kasabwat din sa isang malaking drug syndicate sa Southern Metro Manila.
Napag-alaman na ngayong umaga ihaharap ni Parañaque Mayor Joey Marquez sa mga mamamahayag ang nadakip na mga suspect.
Bukod kina Burgos at Berry, dalawa pa nilang kasamahan ang target ngayon ng operasyon ng pulisya.
Magugunita na si Claudine ay hinalay at pinaslang noong nakalipas na Marso 11, taong kasalukuyan at saka itinapon sa isang creek sa San Antonio Valley Subdivision sa Paranaque City. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended