^

Probinsiya

Adik at pulis todas sa amok

-
BULACAN, Bulacan – Isang sinasabing drug-addict na umano ay nasa impluwensiya ng bawal na gamot ang iniulat na napatay habang naghuhurumentado matapos itong barilin ng isang pulis na kanyang sinaksak at napatay din, kamakalawa ng gabi sa Barangay Bambang sa bayang ito.

Ang drug addict na nasawi sa pinangyarihan ng insidente, bunga ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ay nakilalang si Clifford Meneses, 29.

Namatay naman habang nilalapatan ng lunas sa pinagdalhang pagamutan sanhi ng malalim na saksak sa dibdib na tumagos sa puso si PO2 Ronilo Giron, 33, ng Barangay Malhacan, Meycauayan.

Batay sa ulat na tinanggap ni Bulacan Provincial director Emelito Sarmiento, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-6:30 ng gabi makaraang humingi ng tulong sa pulisya ang isang Eddie Meneses, dahilan sa pagwawala at panghahabol ng saksak ng kanyang anak na noon ay bangag sa ipinagbabawal na gamot.

Agad namang nagresponde sa nasabing lugar ang nasawing pulis at hindi pa man sila nakakalapit sa hurumentado ay agad na siyang sinugod nito ng saksak.

Bagamat sugatan nakuha pa ring makapagpaputok ng baril ng pulis na nagsanhi sa pagkasawi ng hurumentadong adik. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BAGAMAT

BARANGAY BAMBANG

BARANGAY MALHACAN

BATAY

BULACAN PROVINCIAL

CLIFFORD MENESES

EDDIE MENESES

EFREN ALCANTARA

EMELITO SARMIENTO

RONILO GIRON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with