Doktor niratrat, kritikal
March 29, 2001 | 12:00am
Nasa kritikal na kondisyon ngayon ang isang doktor makaraang mapuruhan ng tama ng bala ng baril sa dalawang mata nang pagbabarilin ng tatlong armadong kaanak ng isa nitong namatay na pasyente na naganap sa Balamban, Cebu, ayon sa ulat kahapon.
Ang biktima na namemeligrong mabulag at nasa kritikal na kalagayan ay kinilalang si Dr. Michael Borgonia, ng Balamban, Cebu.
Si Dr. Borgonia na inoobserbahan sa Balamban District Hospital matapos na tumagos sa kanyang ulo ang bala na tumama sa dalawang mata ng biktima.
Sa isinagawang operasyon, agad namang naaresto ang tatlong suspect na nakilalang sina Thomas Crumbana, 22; Randy Sasing, 22 at Roland Delama, 17, ng Cebu.
Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong alas-8 ng gabi sa bisinidad ng Barangay Baliwanagan, Balamban ng nabanggit na lalawigan.
Lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan nang pagbabarilin ng mga suspect.
Lumitaw sa paunang imbestigasyon na paghihiganti ang motibo ng mga suspect sa pamamaril sa biktima matapos na isa sa kamag-anak ng mga ito ang hindi naisalba ang buhay ng nabanggit na manggagamot. Ang mga suspect ay nadakip ilang minuto matapos ang naganap na pamamaril. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest