Sa report na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, nabatid na mabilis na nagtungo sa nasabing lugar ang mga tauhan ng militar makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa isang Eduardo Bitaugan, hinggil sa mga nakabaong mga kalansay na brutal na pinaslang ng mga rebelde.
Si Bitaugan ay isa sa binalak paslangin ng mga rebelde subalit mapalad na nakatakas sa madugong pamamaslang.
"Sa loob ng 15 taon, na-mental torture ako sa pagtatago sa lihim na pagpaslang ng mga NPA, hindi na ito nakayanan pa ng aking konsensiya", pahayag ni Bitaugan.
Nasaksihan umano ni Bitaugan ang ginawang pagpaslang sa mga biktima, sa mga kababaihan at mga bata noong kasagsagan ng insureksyon sa pagitan ng taong 1985 at 1986 noong siyay 11-anyos pa lamang.
Maging ang mga inosenteng bata ay pinagbabaril din ng mga rebelde at saka inilagak sa naturang mass grave.
Patuloy naman ang operasyong isinasagawa ng militar upang hanapin ang iba pang killing fields ng mga rebeldeng komunista. (Ulat ni Joy Cantos )