^

Probinsiya

75 kalansay nahukay sa mass grave ng NPA rebels

-
Pitumpu’t-limang kalansay na pinaniniwalaang pinahirapan muna bago tuluyang pinaslang ang nahukay ng mga militar sa walong mass grave ng NPA sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa sa Sitio Tawili at Minbahandi, Barangay Kauyonan at Nagkaon sa bayan ng Opol, Misamis Oriental, kamakalawa.

Sa report na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, nabatid na mabilis na nagtungo sa nasabing lugar ang mga tauhan ng militar makaraang makatanggap ng impormasyon mula sa isang Eduardo Bitaugan, hinggil sa mga nakabaong mga kalansay na brutal na pinaslang ng mga rebelde.

Si Bitaugan ay isa sa binalak paslangin ng mga rebelde subalit mapalad na nakatakas sa madugong pamamaslang.

"Sa loob ng 15 taon, na-mental torture ako sa pagtatago sa lihim na pagpaslang ng mga NPA, hindi na ito nakayanan pa ng aking konsensiya", pahayag ni Bitaugan.

Nasaksihan umano ni Bitaugan ang ginawang pagpaslang sa mga biktima, sa mga kababaihan at mga bata noong kasagsagan ng insureksyon sa pagitan ng taong 1985 at 1986 noong siya’y 11-anyos pa lamang.

Maging ang mga inosenteng bata ay pinagbabaril din ng mga rebelde at saka inilagak sa naturang mass grave.

Patuloy naman ang operasyong isinasagawa ng militar upang hanapin ang iba pang killing fields ng mga rebeldeng komunista. (Ulat ni Joy Cantos )

BARANGAY KAUYONAN

BITAUGAN

CAMP AGUINALDO

EDUARDO BITAUGAN

JOY CANTOS

MINBAHANDI

MISAMIS ORIENTAL

SI BITAUGAN

SITIO TAWILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with