Pamilya, 3 minasaker
March 28, 2001 | 12:00am
ILOILO CITY Isang pamilya na binubuo ng tatlo katao at hinihinalang pamilya ng aswang ang iniulat na pinagbabaril at pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang Army trainee sa Barangay Jaena Norte, Jamindan, Capiz.
Base sa ulat na nakarating sa Camp Delgado dito, ang pamilyang minasaker ay nakilalang sina Amado Rey, 100; Maria Gardose Rey, 95 at ang kanilang anak na si Norma Rey, 63.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, matagal na umanong may galit si Ryan Andan, residente ng Lemery, Iloilo sa pamilya Rey. Ang naturang pamilya umano ay pinagsususpetsahan ni Andan na siyang kumulam sa isang buwang gulang niyang anak na babae noong nakalipas na taon.
Naniniwala si Andan na ang naturang pamilya ay hindi lamang mangkukulam, kundi aswang na may kinalaman sa pagkamatay ng kanyang anak.
Pinaniwalaan umano ni Andan sa sinabi sa kanya ng albularyo na kinulam ang kanyang anak kahit na nga mismong ang rural health officer sa Lemery ay nagsabing dehydration ang ikinamatay ng anak ng suspect.
Binanggit pa sa ulat, ang dahilan umano ng pagsali ni Andan sa training ng Army na nakabase sa Camp Macario Peralta sa Jamindan, Capiz ay upang mapalapit sa pamilya at magkaroon ito ng pagkakataong makapaghiganti. Nabatid na ang Camp Peralta ay 500 metro lamang ang layo sa bahay ng mga biktima.
Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang tumakas na suspect para panagutin sa karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Jun Aguirre)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended