^

Probinsiya

Nasawing 'lady pilot' pinarangalang bayani

-
MABALACAT, Pampanga –Si 1st Lt. Grace Baluyo na minsan nang nagpamalas ng katapangan makaraang makubkob ng militar ang pangunahing kampo ng mga rebelde ang Camp Abubakar noong nakalipas na taon, ang minsan pang nagpakita ng kanyang kabayanihan hanggang sa magbuwis ng buhay makaraang mag-crashed ang pinalilipad nitong OV-10 Bronco attack aircraft noong nakalipas na Lunes.

Si Baluyo, 26, ay iniulat na nasawi makaraang bumagsak ang naturang aircraft na siya ang nagco-pilot sa may 250 square meter na bakanteng lote na napapaligiran ng mga kabahayan sa Philhomes Subdivision sa Barangay Mabiga dito, dakong alas-3:45 ng hapon kamakalawa.

Si Baluyo ay nakatakda sanang makipag-isang dibdib sa isa ring piloto sa susunod na taon.

Ang kanyang co-pilot si Capt. Ben Nasayao ay nagawang makalabas ng aircraft makaraang mag-eject, ay nagsabing sinabihan din niya si Baluyo na mag-bail out na rin matapos na magkaroon ng engine trouble ang naturang sasakyan.

Ayon kay Lt. Col. Charles Hotchkiss, deputy commander ng 1st Tactical Fighter Wing ng PAF na dumating sa lugar na binagsakan ng aircraft at isa sa naglabas sa katawan ni Baluyo sa nagkapira-pirasong aircraft na masuwerteng sa maliit na bakanteng lote bumagsak ang aircraft.

Naniniwala ang mga kinauukulan na nagbuwis nang buhay si Baluyo para maiiwas ang aircraft sa pagbagsak nito sa mga kabahayan na siguradong maraming sibilyan ang madadamay sa kapahamakan.

Binanggit pa sa ulat na tinanggap ni Hotchkiss na ang naturang sasakyang panghimpapawid ay nakatakda nang mag-crash land sa runway 20 ng Clark airport matapos na makatanggap ng distress call ang airport tower personnel.

Sinabi pa sa ulat na ilang minuto pa bago matumbok ng aircraft ang mga kabahayan ay sinabihan na ni Nasayao si Baluyo na mag-eject sa naglolokong sasakyan. Nauna nang nag-eject si Nasayao at pagkatapos ay hindi na niya alam pa ang nangyari.

Bagamat nakalabas na si Nasayao, pinili ni Baluyo na i-guide ang aircraft para sa bakanteng lote ito bumagsak at hindi sa mga nakapaligid na kabahayan.

Si Baluyo ay isa sa kinilala ng PAF matapos na magpakita ng kabayanihan sa pag-capture sa Camp Abubakar sa Mindanao.

Siya ay nagtapos sa PAF Flying School noon lamang 1997. Siya ay tubong Bacolod City at nakatakdang magpakasal sa isa ring piloto sa susunod na taon.

Ang ipinakita umanong kabayanihan ni Baluyo ay nagresulta upang kaunti lamang sa mga residente sa nabanggit na lugar ang maapektuhan. (Ulat ni Ding Cervantes)

vuukle comment

AIRCRAFT

BACOLOD CITY

BALUYO

BARANGAY MABIGA

BEN NASAYAO

CAMP ABUBAKAR

CHARLES HOTCHKISS

DING CERVANTES

NASAYAO

SI BALUYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with