3 kidnappers ng bombay nasakote
March 27, 2001 | 12:00am
TAYTAY, RIZAL Tatlo sa apat na kidnaper ng isang negosyanteng Indian national ang nasakote ng mga tauhan ng pulisya matapos ang maikling habulan, kamakalawa ng umaga sa bayang ito.
Sa ulat na ipinadala ni Supt. Ferdinand Santos, hepe ng Taytay Police sa bagong talagang Rizal provincial director, Superintendent Arturo Tolentino, nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Reynaldo Perez, 40, ng Cavite City; Ernani Tanjasay, 53, ng Cembo, Makati at Joseph Sander,34.
Kasalukuyan pang pinaghahanap ang isa nilang kasamahan. Sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng biktimang si Ronjit Singh, ng Block 1 Lot 20, Passerby St. Dividend Homes Subdivision, Taytay ang kahabaan ng Cabrera Road sa Barangay Dolores sakay ng kanyang motorbike galing sa paniningil ng pautang nang harangin ng mga suspect sakay ng isang silver Nissan Maxima na may plakang PLM-161.
Agad na nagpakilala ang mga suspect na mga ahente sila ng Bureau of Immigration and Deportation at siya (biktima) umano ay may kaso sa kanilang tanggapan na kailangan niyang sagutin.
Sapilitang isinakay ng mga ito ang biktima sa kanilang kotse, gayunman sa bahay ng biktima sila nagtungo.
Doon kinausap ng isa sa mga suspect si Makhan, ang nakababatang kapatid ng biktima na hinihingan ng halagang P50,000 kapalit ng kalayaan ng kanyang kuya.
Nagpahintay naman si Makhan sa mga suspect kasabay nang pagsasabing kukunin niya ang pera, pero lingid sa kanilang kaalaman ay tumawag na ng mga tauhan ng pulisya.
Dahil sa bahagyang natagalan ang paglabas ni Makhan kaya nakaramdam ang mga suspect na isinuplong na sila kung kaya mabilis itong nagsitakas dala pa rin ang biktima.
Nagkaroon ng maikling habulan sa pagitan ng mga awtoridad hanggang sa makorner ang mga suspect sa Barangay Manggahan sa Pasig City na doon hindi na pumalag pa ang mga ito.
Inihahanda na ng pulisya ang kasong kidnapping at robbery extortion laban sa mga suspect. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest