^

Probinsiya

Coal power plants sa Quezon at Batangas, nakalalason

-
LUCENA CITY – Ibinunyag kamakailan ng environmental group na Greenpeace na may panganib na idinudulot sa kalusugan at kaligtasan sa mga residente ng Pagbilao at Mauban, Quezon, gayundin sa Calaca, Batangas ang coal thermal power plant na natatayo sa tatlong nabanggit na bayan.

Ayon kay Red Constantino, Greenpeace Energy campaigner na ang planta ng kuryente sa Mauban (Quezon Power Philippines), Pagbilao (Southern Energy ) at Calaca Power Plant sa Calaca, Batangas ay naglalabas ng heavy metals tulad ng mercury lead at copper.

Bunsod nito ay nananawagan ang grupo sa Department of Health at sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magsagawa ng health at environment assessment studies upang matiyak ang kaligtasan ng kalusugan ng mga apektadong residente.

Inihalintulad ni Constantino ang naganap na pagtagas ng mine tailings sa Marcopper Mining Corporation sa Boac, Marinduque may ilang taon na ang nakakalipas sa nagaganap ngayon sa nabanggit na mga coal power plant.

Ang polusyon na dala ng naturang planta sa Marinduque ay nararanasan pa rin ng ilang mga residente doon at ganito rin ang posibleng mangyari sa Mauban, Pagbilao at Calaca sa Batangas kung hindi magsasagawa ng safety precautionary measures ang mga kinauukulan. (Ulat ni Tony Sandoval)

BATANGAS

CALACA

CALACA POWER PLANT

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF HEALTH

GREENPEACE ENERGY

MARCOPPER MINING CORPORATION

MARINDUQUE

MAUBAN

PAGBILAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with