Ina na pumatay sa sariling anak, hinatulan ng habambuhay
March 27, 2001 | 12:00am
TABACO CITY Habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw kahapon ng Regional Trial Court (RTC) dito sa isang ina na napatunayang pumaslang sa 7-anyos niyang anak may dalawang taon na ang nakakaraan sa Tiwi, Albay.
Ang habambuhay na pagkabilanggo ay ipinataw ni RTC Judge Arnulfo Cabredo sa ina na si Pilar Mendoza, 29, matapos na mapatunayang napatay nito sa pamamagitan nang pagbambo ng baston sa kanyang anak na si Emily, na noon ay pitong taong gulang pa lamang sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na bayan.
Si Cabredo na kilalang "hanging judge" sa dami ng mga kriminal na hinatulan nito ng kamatayan ay nagsabing nagpasya siyang ibaba sa reclusion perpertua ang hatol kay Mendoza imbes na bitay matapos na ito ay umamin sa kaso bago pa man matapos ang isinasagawang pagdinig sa kaso.
Bagamat noong una ay itinatanggi pa ng akusado ang krimen, bago pa man matapos ang paglilitis ay umamin ito matapos na patunayan ng isa niyang anak na nasaksihan niya kung papaano napatay ng kanilang ina ang kanyang kapatid.
Binanggit ng nakatatandang anak nito sa korte na tinangka niyang painumin ang kanyang kapatid na si Emily, subalit hindi na ito gumagalaw matapos na mawalan ng ulirat nang bastunin ng kanilang nanay.
Base sa rekord ng korte nagalit sa kanyang bunsong anak ang akusado matapos na makabasag ito ng pinggan at dahil sa galit sunod-sunod nitong hinataw ng baston ang bata hanggang sa mamatay.
Tinangka pa umano ng ina na itago ang krimen makaraang ilibing sa kanilang bakuran ang labi ng bata. Sa pinaglibingan ay tinayuan pa nito ng maliit na sari-sari store.
Itinago rin nito sa kanyang asawa ang krimen na noon ay nagtatrabaho sa Saudi Arabia kasabay nang pagsasabing nagbabakasyon sa lola nito sa Davao ang bata.
Perpektong krimen na sana hanggang sa magsumbong ang kanyang anak na panganay sa pulisya, ito ay matapos ang halos isang taong pagtatago sa naganap na krimen. (Ulat ni Cet Dematera)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended