Ang naturang "military exercise" ay pinamagatang "Maritime and Air Exercises-01" (Marsea-01) na isasagawa nang bansang Pilipinas, Estados Unidos at ng Thailand Armed Forces sa mga baybayin ng Zambales at ito ay bahagi pa rin ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa bansa.
Ayon kay Visiting Forces Agreement Commission Spokesman Elmer Cato, mahigit sa 100 tropa mula sa US Navy, Royal Thai Navy at 50 mula sa Philippine Navy (PN) at ng Maritime Command ng Philippine National Police (PNP) ang magsasama-sama sa gagawing military exercises.
Sakay ang mahigit sa 100 US Navy troopers sa tatlong malaking C-130 military jets na dumating sa bansa noong Lunes ng gabi via Clark International Airport sa Angeles City buhat sa kanilang military base sa bansang Japan, samantalang ang mga tropa ng Royal Navy ng Thailand ay nagmula naman sa kanilang kampo sa Phuket. (Ulat ni Jeff Tombado)