Mayor kinasuhan sa pagpapakulong ng 15 magsasaka
March 26, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Pormal na ipinagharap ng kaso sa hukuman ang isang Mayor ng Alabat, Quezon sa ginawa nitong pagpapakulong sa may 15 magsasaka na nagsagawa ng rally sa harap ng munisipyo kamakailan.
Ayon kay Pedro Gonzales, chairman ng BAYAN na may anim na oras siyang ikinulong kasama ang labing-apat na iba pa sa selda ng Alabat Municipal Jail sa utos umano ni Mayor Artemio Mascariñas.
Dahilan sa walang makitang kaso sa mga ito ay napilitang palayain ng mga pulis ang grupo ni Gonzales.
Ayon sa naturang lider magsasaka na nitong nakaraang linggo ay nagsagawa sila ng rali sa harapan ng munisipyo para iparating sa kinauukulan ang mga problema ng mga magsasaka at mangingisda na hindi mabigyan ng solusyon ng lokal na pamahalaan.
Lumabas umano buhat sa opisina ang Mayor at hinarap ang mga nagsasagawa ng rali at sinabihan sila na nakakasikip sila sa daloy ng trapiko.
Nangatwiran ang mga nagra-rally na hindi sila nakakasikip dahil kakaunti naman ang mga sasakyan na dumaraan.
Nainis ang Mayor kayat inutusan ang mga tauhan at mga pulis na arestuhin ang mga ito at ikulong. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended