Trader na nakipagbarilan sa pulis, todas
March 26, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Isang fishpond owner na umano ay pangunahing suspek sa pagpatay sa isang magsasaka ang napatay din matapos itong lumaban sa halip na sumuko sa mga awtoridad sa Calatagan, Batangas City kamakalawa.
Hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ang napatay ng mga awtoridad na si Leovino Bayaborda, 41, binata at residente ng Bgy. Balibago ng nasabing lugar.
Si Bayaborda ay pangunahing suspek sa pagpatay kay Bernardo Causapin, 44, magsasaka at residente ng nasabing barangay.
Sa ulat na tinanggap ni Chief Supt. Domingo Reyes Jr.,- PRO4 Director na bago naganap ang barilan sa pagitan ng mga pulis at kay Bayaborda ay nakaaway muna nito si Causapin.
Ang alitan nina Bayaborda at Causapin ay nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa mapatay ng una ang huli.
Kaagad naman na ipinagbigay alam ng mga ilang kapit-bahay ang pangyayari sa pulisya at mabilis na nagresponde sa lugar ng pinangyarihan.
Nang abutan ng mga awtoridad si Bayaborda hinikayat nila itong sumuko subalit pinaputukan nito ang mga pulis.
Gumanti ng putok ang mga pulis na tumagal ng ilang minuto ang barilan hanggang sa tinamaan ng bala si Bayaborda.
Nasamsam ng mga awtoridad ang M16 rifle na ginamit ng suspek sa pakikipagbarilan sa kanila. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended