^

Probinsiya

4 katao nabundol ng kotse: 2 patay, 2 grabe

-
GEN. TRIAS, Cavite – Dalawang obrero ang nasawi habang ang dalawa pa nilang kasamahan ay nasa kritikal na kalagayan matapos mabundol ng isang kotse habang ang mga ito ay naglalakad sa kahabaan ng Bgy. Biclatan kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang nasawi ay nakilalang si Renato Calum, 34, tubong Surigao at Allan Jimenez, 30, binata, habang nasa kritikal na kalagayan sa Manila Orthopedic sina Renato Henesierra, 32, may-asawa at Allan Cambronero, 30, binata na kapwa stay-in workers ng Roblets International.

Sa pagsisiyasat ng pulisya na dakong alas 10:00 ng gabi ay naglalakad sa kalye ng nasabing barangay ang mga biktima nang bigla na lamang sumulpot sa likuran nila ang kotseng Mazda na minamaneho ng suspek na si Jose Garcia, 33, may-asawa, propesor at residente ng Trece Martires City.

Tumilapon ang mga biktima at minalas na makaladkad pa sina Calum at Jimenez na kanilang ikinamatay.

Tumakas ang suspek at iniwan na lamang ang mga biktima na nakabulagta sa kalsada.

Ilang oras ang nakakalipas ay nakonsensiya ito at sumuko sa Trece Martires City PNP.

Napag-alaman sa pulisya lasing na nagmamaneho ang suspek kaya nabangga nito ang mga biktima.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide at serious physical injuries. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

ALLAN CAMBRONERO

ALLAN JIMENEZ

BGY

CRISTINA GO-TIMBANG

JOSE GARCIA

MANILA ORTHOPEDIC

RENATO CALUM

RENATO HENESIERRA

ROBLETS INTERNATIONAL

TRECE MARTIRES CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with