^

Probinsiya

4 katao patay, 8 grabe sa kagat ng aso

-
BANGUED, Abra– Apat katao kabilang ang tatlong bata ang nasawi habang walong iba pa ang nasa malubhang kalagayan sa pagamutan matapos makagat ng asong may taglay na rabies ayon sa ulat kahapon ng health department ng bayang ito.

Ayon sa ulat ni Luneza Aamasi, coordinator ng Rabies Control Program ng Department of Health, ang mga biktima ay nakilalang sina Rose May Boretan, 5 ng Poblacion, Villaviciosa; Bernie Berras, 2 ng Zone 1 Bangued; Ilardie Asia, 9 ng Palicad, Pilar at Gerardo Tuscano, 72 ng Poblacion, Pnerubia.

Hindi naman nakalagay sa ulat ang mga pangalan ng mga isinugod sa ospital na nasa malubhang kalagayan sa kasalukuyan.

Ang mga biktima ay pawang nakagat ng mga asong gala na may taglay na rabies at lalong sumama ang kalagayan ng mga ito ng dalhin sa isang tandok na diumano ay sumisipsip ng mga kamandag ng mga kagat ng aso.

Pinag-iingat ng mga awtoridad ng kalusugan ang publiko sa mga gumagalang aso habang nanawagan naman sila sa mga may-ari ng aso na itali at pabakunahan sa beterinaryo ang kanilang mga alaga. (Ulat ni Myds Supnad)

vuukle comment

ABRA

BERNIE BERRAS

DEPARTMENT OF HEALTH

GERARDO TUSCANO

ILARDIE ASIA

LUNEZA AAMASI

MYDS SUPNAD

RABIES CONTROL PROGRAM

ROSE MAY BORETAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with